Ingredients:
- 6 na puswelong malagkit or Sticky Rice Powder
- 1 puswelong asukal
- 1/2 puswelong tubig
Instructions:
- (Optionally Old method):⇢Itong Method na ito ay typical na basic at sinauna. Ibabad nang maghapon ang malagkit.Kinagabihan ay gilingin. Isahod sa isang malinis na telang katsa (o supot ng asukal). Bilutin ang galapong at ibitin upang tumulo. O kaya'y ilagay sa bistay (nang nakabalot sa tela) at daganan ng isang bagay na mabigat upsng kumatas ang labis na tubig. Kinabukasan, ihalo sa galapong ang asukal na tinunaw sa 1/2 puswelong tubig.
- Modern Method:⇢But sa ngayon ay may nabibili na sa Grocery store or palengke na galapong powder at kung tawagin na Sticky Rice Powder. Ihalo sa ang ang Sticky Rice Powder sa 1/2 cup na asukal.
- Hubugin sa kaanyuan na maliliit na bola.
- Palaparin sa palad upang maging manipis ( 1 sentimetro ang lapad).
- Sa gitna nito ay maglagay ng 1 kutsara ng minatamis na munggo.
- Pagsama-samahin ang mga gilid ng pinalapad na galapong at pagulungin sa palad upang upang maging hubog bola na muli.
- Magpakulo ng maraming mantika sa kawale o kaserola at isa-isang ihulog dito ang ginawang "butsi".
- Hanguin kapag mapula na ang 'butsi'.