RSS

ℜ𝔢𝔠𝔦𝔭𝔢𝔗𝔯𝔞𝔫𝔰𝔩𝔞𝔱𝔢⤵️翻訳物

Search👇

👍BITSU-BITSU

2 puswelong arina

3 kutsaritang baking powder
2 itlog ng manok
1/4 puswelong tunaw na mantika
1/3 puswelong gatas
6 na kutsaritang asukal
1/2 kutsaritang asin

Ihalo sa arina ang asukal at "baking powder". Salain (sift). Isahod sa malaking tasa. Batihin ang itlog. Ihalo ang gatas at tunaw na mantikilya. Pamuling batihin.
Unti-unting ibuhos sa arina, habang mahinay na hinahalo, ang pinaghalong gatas at itlog. Masahin at ilatag sa malapad na sangkalan (cutting board) o sa mesa na binudburan muna ng kaunting arina. Pagulungan ng rolling pin o bote na may bilog na katawan, hanggang sa maging 1/2 pulgada ang kapal ng masa. Hiwa-hiwain nang pahaba (1/2 pulgada ang lapad at 6 pulgada ang haba). Pagdikitin ang bawa't ang bawa't dalawang putol, at bago ihulog sa kumukulong mantika ay diinan ng makitid na patpat ang bawa't putol na magkadikit. 
Kailangan ay maraming mantika ang paglulutuan   ng bitsu. Hanguin kapag umalsa at naging mamula-mula. Patuluin ang mantika bago pagulungin sa asukal. 

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Search

Contact Form

Name

Email *

Message *