ADOBONG PUSIT
Mga Sangkap:
1/2 kilong pusit
1-1/2 kutsaritang asin
1 dahon ng laurel
1/4 kutsaritang paminta
3-4 ulo ng bawang, pinitpit
1/3 tasang suka
1 kutsaritang asukal
1/4 tasang mantika
1 maliit na sibuyas, hiniwa ng manipis
Paraan ng pagluluto:
1.) Linisin maigi at hugasan ang pusit at tanggalin ang parang plastic na buto nito.
2.) Hiwa-hiwain ang pusit.
3.) Pagsama-samahin ang asin, paminta, bawang, suka, tubig, asukal at laurel.
4.) Ibabad ang pusit sa timplang 1 oras.
5.) Hanguin ang pusit at isa-isang tabi ang pinagbabaran.
6.) Salain ang pinagbababaran.
7.) Igisa ang sibuyas sa mantika at ihalo ang pusit.
8.) Ibalik ang pinagbabaran ng pusit at lutuin ng 10 to 15 minutes.
10.) Makakabuting mabilis lamang ang pagluluto ng pusit upang ito'y hindi tumigas.