DINUGUAN
Mga sangkap:
1/2 kilong baboy
2 kutsarang mantika
2 ulo ng bawang, hiniwa-hiwa
1/4 kilong atay ng baboy, hiniwang maliit na pakuwadrado
1/2 tasang suka
2 kutsarang patis
1 kutsaritang asin
1/4 kutsaritang vetsin
1-1/2 tasang pinagpakuluan ng baboy
1 tasang dugo ng baboy
2 tasang asukal
3 pirasong siling berde
1/4 kutsaritang oregano (puedeng wala)
Paraan ng pagluluto:
1.) Ilagay sa kalderong may 1-1/2 na tubig at Pakuluan ang baboy ng 30 minuto.
2.) Hanguin at hiwain nang maliit na pakuwadrado.
3.) Itabi ang sabaw nito.
4.) Sa isang kawali, igisa nang 5 minuto sa mantika ang bawang at sibuyas.
5.) Idagdag ang baboy, atay.
6.) Ibuhos ang suka.
7.) Huwag hahaluin.
8.) Hinaan ang apoy at hayaang kumulo.
9.) Ibuhos ang sabaw.
10.) Pakuluan nang 10 minuto.
11.) Ihalo ang dugo at timplahan nang asukal.
12.) Palaputin at haluin nang paminsan-minsan.
13.) Idagdag ang siling berde at oregano(o puedeng walang oregano) at lutuin ng 5 minuto.
14.) Ihain o ipulutan.