KILAWIN NA BABOY AT ATAY
Mga Sangkap:
1/2 kilong baboy
1/2 kilong atay ng baboy
2 tasang suka
1/2 kutsaritang asin (depende sa gustong alat)
1/2 kutsaritang pamintang durog
1/2 kutsaritang vetsin
2 kutsarang mantika
1 maliit na sibuyas, tinadtad
1/2 ulo ng bawang, pinitpit
ginisang bawang( depende sa dami ng gustong isahog)
Paraan ng Pagluluto:
1.) Hiwain ang baboy at atay ng pahaba at katamtamang laki.
2.) Ilagay sa malaking baking dish.
3.) Idagdag ang suka, asin, paminta at vetsin. Ibababd ang 30 minuto.
4.) Patuluin ang baboy at atay at isa-isang tabi ang pinagbabaran.
5.) Painitin ang mantika sa kawali.
6.) Idagdag ang baboy at atay ng salit-salit at igisa hanggang maluto.
7.) Isa-isang tabi. Igisa ang sibuyas at bawang.
8.) Idagdag na igisa ang karne hanggang medyo pumula tapos isunod isahog ang pinagbabaran.
9.) Pakuluin, takpan at pakuluin ng 15-25 minuto o hanggang maluto.
10.) Palamutian ng piniritong bawang.
11.) Ihain na pampulutan