RSS

ℜ𝔢𝔠𝔦𝔭𝔢𝔗𝔯𝔞𝔫𝔰𝔩𝔞𝔱𝔢⤵️翻訳物

Search👇

Showing posts with label My Fav PILIPINO RECIPE. Show all posts
Showing posts with label My Fav PILIPINO RECIPE. Show all posts

BEEF ESTOFADO


Ingredients:⇣⤵️

1-1/2 Ibs. stewing beef, cubed

1/2 cup flour

1-1/2 tsp. salt

1/8 tsp. pepper

1/4 cup cooking oil

2 cloves garlic, minced

1 medium onion, chopped

1 medium tomato, chopped

1/4 Ib. green beans
1 medium carrot, cut into 1" lengths
1/4 cup vinegar
1 bay leaf

  1. Season beef with salt and pepper. 
  2. Let stand 10 to 15 minutes. 
  3. Dredge with flour and brown in hot oil.
  4. Pour off all but 2 tbsp. of oil in pan, push beef to one side and sauté garlic, onions and tomatoes until mixture is mushy. 
  5. Add vinegar, bay leaf and enough water to cover beef. 
  6. Bring to a boil, lower heat and simmer for 1-1/2 to 2 hours or until beef is tender. 
  7. Taste for seasoning.
  8. Bring back to boiling, add green beans and carrots, cook until vegetables are done (about 10 minutes).
Preparation and cooking time: 
About 2 hours
Serves 4 to 6

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

CHICKEN TINOLA

5-6 Serving


Ingredients:⇣⤵️
3 lb roasting Chicken, cut up
2 tsp cooking oil
2 tsp fresh ginger strips
1 clove garlic, crushed
1 medium onion 
2 tbsp patis
1 tsp salt
5 cups water
2 cups pared sliced unripe papaya
1/2 lb. spinach 
 
Preparation⤵️⇣
1. In medium saucepan, heat oil over medium heat.
2. Saute ginger, garlic and onion for 1 minute.
3. Add chicken and saute until chicken colors slightly. 
4. Season with patis and salt.
5. Add water.
6. Bring to a boil, lower heat and simmer for 30 minutes or until chicken is tender.
7. Add papaya, cook for 5 minutes until papaya is tender. 
8. Add spinach, cover and remove from heat.
9. Let stand for 5 minutes. 
10. Serve hot.

Note: I put a spinach veggie because there's no available malunggay or sili leaves in the supermarket nearby. Sometimes there's an available of papaya in Don Quijote Atsugi supermarket but so rare only. But if don't have papaya I used eggplant or sayote for the papaya substitute. Sometimes I used zucchini for the substitute of papaya as well.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

GINATAANG MAIS

Ingredients:⇣⤵️
1 kilo na malagkit na bigas (hinugasan na)
5-6 na mais na mura or 2 can kernel corn
2 niyog (kinudkod)
asukal (Ayon sa panlasa)
1 dahon ng pandan (optional)

Paraan ng pagluluto:⤵️⇣
1. Pigain ang niyog at kunuha na 1 puswelong unang gata o kakanggata. Isantabi ang kakanggata.
2. Muling pigain ang niyog at sa pagkakataong ito ay dagdagan ng 3-4 puswelong tubig.
3. Gadgarin ang mais sa pamamagitan ng kutsilyo o gadgaran ng papaya.
4. Pakuluin sa kaldero ang pangalawang gata at kapag kumukulo na ihulog ang mais. 
5. Makaraan ang ilang sandali ay ihalo ang malagkit na hugas na.
6. Kapag malapit nang maluto ang malagkit ay timplahan ng asukal nang naayon sa inyong panglasa. 
7. Mapababango ang ginataan na ito kung lalagyan ng isang dahon ng pandan. Optional lang ito. 
8. Kung meron pandan extract ay lagyan rin ng konting patak. But sometimes walang mabiling pandan leaves and pandan extract sa supermarket, ang ginagamit kong pambango ay vanilla extract. 
9. Ihalo ang unang gata na piniga or kakanggata kapag hahanguin na.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

GINATAANG BILU-BILO

Ingredients⤵️⇣
1 tasang hinimay na langka
2 niyog or 2 big can of coconut milk
Asukal
1/2 kutsaritang anis (maaring hindi lagyan)
2 gatang na malagkit or 1 kl glutinous rice powder⇢1 kilong malagkit na bigas na powder or galapong na nabibili sa supermarket
1 Dahon ng pandan (optional) or drops of pandan extract

Paraan ng pagluluto:⤵️⇣
1. Ibabag nang kalahating araw ang malagkit. gilingin. 
3. Ilagay sa katsang tela, tungkusin at patuluin. 
4. O kaya'y ipatong sa isang bistay na bagay upang kumatas ang labis na tubig. 
5. Hayaan sa gayong ayos nang magdamag.
6. O di kaya ay ng 1 kilong malagkit na bigas powder na available sa supermarket na glutinous rice powder at lagyan ng tubig para maging dough.
7. Bilug-bilugin ang galapong sa nais laki. 
8. Alalahanin na ito ay umaalsa kapag naluto, kaya hindi dapat napakalaki ang gagawing bilu-bilo. 
9. Katasin ang kinudkod na niyog. 
10. Itabi ang unang puswelong kakanggata.
11. Muling pigain ang niyog at sa pagkakataong ito ay dagdagan ng 3-4 puswelong tubig.
12. Timplahan ng asukal nang naayon sa inyong panlasa ang pangalawang gata or 1 can of coconut milk with 1-2 cup of water. Isalang. 
13. Habang hinihintay ang pagkulo ay halu-haluin upang hindi magbuo-buo ang gata. 
14. Kapag kumulo ay isa-isang ihulog ang bilu-bilo, habang hinahalo pa rin. 
15. Hindi dapat pagsabay-sabayin ang paghulog ng bilu-bilo sapagka’t magdidikit-dikit ang mga ito.
16. Kapag malapit nang maluto ang bilu-bilo ay ihulog ang langka at dahon ng pandan. Optional ang pandan. 17. Kung meron pandan extract ay lagyan rin ng konting patak. But sometimes walang mabiling pandan leaves and pandan extract sa supermarket dito at ang ginagamit kong pampabango ay vanilla extract. 
18. Sa huli ay ihalo ang kakanggata. 
19. Pakuluin lamang ng ilang sandali bago hanguin.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

NILUPAK NA SAGING - 𝓂𝓎 𝓋ℯ𝓇𝓈𝒾ℴ𝓃 ℴ𝒻 ɴɪʟᴜᴘᴀᴋ ɴᴀ sᴀɢɪɴɢ 𝓇ℯ𝒸𝒾𝓅ℯ


𝕀𝕟𝕘𝕣𝕖𝕕𝕚𝕖𝕟𝕥𝕤:⤵️
20 нιησց ηα ѕαցιηց ѕαвα
1 ηιуσց - кιηυԃкσԃ ηց ριησ
1/2 кιℓσηց αѕυкαℓ

ℙ𝔸ℝ𝔸𝔸ℕ 𝕟𝕘 ℙ𝕒𝕘𝕝𝕦𝕝𝕦𝕥𝕠:⤵️
1. ιℓαցα αηց ѕαցιηց нαηցցαηց ѕα мαℓυтσ.
2. ραցкαтαρσѕ αу ιℓαցαу αηց ѕαցιηց αт ηιуυց ѕα ℓυѕσηց σя мαℓαкιηց мσятαя αт ԃιкԃιкιη ցαмιт αηց ρєѕтℓє, σя ραяα мαԃαℓι αу ցιℓιηցιη ѕα ƒσσԃ ρяσɕєѕѕσя αηց  ѕαցιηց кαѕαмα αηց ηιуυց.
3. ԃιкԃιкιη мαιցι σя ցιℓιηցιη ѕα ƒσσԃ ρяσɕєѕѕσя αηց ѕαցιηց αт ηιуυց нαηցցαηց ѕα мαցιηց ριησηց-ριησ αт мαց-αηιмσ кαℓαмαу αηց яєѕυℓтα ηց ηιℓυραк.
4. ραнιяαη ηց мαηтιкιℓуα αηց вαηԃєнαԃσ αт ιℓαтαց ԃιтσ αηց ηιℓυραк ηα ѕαցιηց.
5. ραнιяαη ηց мαηтιкιℓуα αηց ιвαвαω ηց ηιℓυραк. 😊ρυєԃєηց вυԃвυԃαη ηց ԃιηυяσց ηα мαηι🥜 σя αℓмσηԃ ηυтѕ σ кαнιт αησηց ԃιηυяσց ηα ηυтѕ αу ρυєԃєηց ιвυԃвσԃ. ιнαιη ηα ραηց-ԃєѕѕєят σ ραηց мєяуєηԃα кαѕαмα αηց кαρє σя αηց ιηуσηց ραвσяιтσηց ιηυмιη. 😁

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

OVEN-COOKED ADOBO

1 kl chicken or pork pieces

1/3 cup vinegar
3 tbsps soy sauce
1 tbsps liquid seasoning
1 tsp salt
1 tbsp minced garlic
1 piece bayleaf 
2 tsps pepper
1 tbsps sugar
3/4 cup water

Combine all ingredients and marinate over-night.  Transfer to a baking dish. Bake at 350F for 30 to 45 minutes or until tender. If desired, broil for few minutes to brown meat thoroughly.

Pack in a lunch kit with hot cooked rice and some tomato or green mango slices.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

AFRITADA


AFRITADA ー 「フィリピン人𝕷𝖊𝖔𝕹𝖔𝖗𝖆𝕲𝖚𝖊𝖗𝖗𝖆のナンバー1️⃣レシピ😋」



Mga sangkap:

2 kutsarang cooking oil
1/2 kilong Chicken or Pork, hiwa sa katamatamang laking kuwadrado na panghain
1 pouch na Mama sita's Menudo/Aftritada(Meat Stew) Mix, tinunaw sa 1/2 tasang tubig
200 gram Patatas, hiwang cubed, fried
2 pcs Red ang green bell pepper, hiwang pahaba or strips
75-gram or 1 maliit na latang green peas, boiled

Paraan ng Pagluluto:

1.) Iprito ang manok hanggang medyo roasted ang kulay.
2.) Tunawin ang Mama Sita Menudo / Afritada (Meat Stew) Mix sa 1/2 tasang tubig.
3.) Pakuluin ang ang manok sa mahinang apoy na kahalo ang tinunaw na Mama Sita Menudo / Afritada (Meat Stew) Mix sa 1/2 tasang tubig hanggang sa lumambot ang karne. Magdagdag ng konting tubig kung maiiga.
4.) Pagkatapos ay ihalo ang fried patatas, bell pepper at green peas.
5.) Pakuluin ng 2 minuto. Pagkatapos ay hanguin at ihain or ipulutan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

👍BITSU-BITSU

2 puswelong arina

3 kutsaritang baking powder
2 itlog ng manok
1/4 puswelong tunaw na mantika
1/3 puswelong gatas
6 na kutsaritang asukal
1/2 kutsaritang asin

Ihalo sa arina ang asukal at "baking powder". Salain (sift). Isahod sa malaking tasa. Batihin ang itlog. Ihalo ang gatas at tunaw na mantikilya. Pamuling batihin.
Unti-unting ibuhos sa arina, habang mahinay na hinahalo, ang pinaghalong gatas at itlog. Masahin at ilatag sa malapad na sangkalan (cutting board) o sa mesa na binudburan muna ng kaunting arina. Pagulungan ng rolling pin o bote na may bilog na katawan, hanggang sa maging 1/2 pulgada ang kapal ng masa. Hiwa-hiwain nang pahaba (1/2 pulgada ang lapad at 6 pulgada ang haba). Pagdikitin ang bawa't ang bawa't dalawang putol, at bago ihulog sa kumukulong mantika ay diinan ng makitid na patpat ang bawa't putol na magkadikit. 
Kailangan ay maraming mantika ang paglulutuan   ng bitsu. Hanguin kapag umalsa at naging mamula-mula. Patuluin ang mantika bago pagulungin sa asukal. 

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

PUTO CAKE

1 1/2 cups cake flour, sifted

1/3 cup sugar
1/2 tsp salt
1 1/2 tsp baking powder
1/4 cup corn oil
4 eggs yolks
1/4 cup + 2 tbsp water
4 eggwhites
1/2 tsp cream of tartar
1/3 cup sugar
1/4 cup chopped chorizo
Sliced chorizo

Prepare steamer and 2 small muffin pans (1 1/2 inch diameter).
Sift flour, sugar, salt and baking powder.
Add oil,  eggyolks and water. 
Mix well then set aside. 
Beat egg whites with cream of tartar until soft peaks form. 
Add sugar gradually while beating until stiff. 
Fold eggyolk mixture into beaten egg whites. 
Add in the chopped chorizo. 
Pour into muffin pans. Top eact with a sliced chorizo. 
Steam for 15-20 minutes or until done.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

BUTSI

Ingredients:


  • 6 na puswelong malagkit or Sticky Rice Powder
  • 1 puswelong asukal
  • 1/2 puswelong tubig

Instructions:

  1. (Optionally Old method):⇢Itong Method na ito ay typical na basic at sinauna. Ibabad nang maghapon ang malagkit.Kinagabihan ay gilingin. Isahod sa isang malinis na telang katsa (o supot ng asukal). Bilutin ang galapong at ibitin upang tumulo. O kaya'y ilagay sa bistay (nang nakabalot sa tela) at daganan ng isang bagay na mabigat upsng kumatas ang labis na tubig. Kinabukasan, ihalo sa galapong ang asukal na tinunaw sa 1/2 puswelong tubig.
  2. Modern Method:⇢But sa ngayon ay may nabibili na sa Grocery store or palengke na galapong powder at kung tawagin na Sticky Rice Powder. Ihalo sa ang ang Sticky Rice Powder sa 1/2 cup na asukal.
  3. Hubugin sa kaanyuan na maliliit na bola.
  4. Palaparin sa palad upang maging manipis ( 1 sentimetro ang lapad). 
  5. Sa gitna nito ay maglagay ng 1 kutsara ng minatamis na munggo. 
  6. Pagsama-samahin ang mga gilid ng pinalapad na galapong at pagulungin sa palad upang upang maging hubog bola na muli.
  7. Magpakulo ng maraming mantika sa kawale o kaserola at isa-isang ihulog dito ang ginawang "butsi".
  8. Hanguin kapag mapula na ang 'butsi'.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

CALAMARES


CALAMARES

Mga Sangkap:
1 kilong pusit na hiniwa na pang-Calamares
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang pamintang durog
1 kutsaritang vetsin
2 itlog
1 tasang arina
2/3 tasang tubig
1 maliit na sibuyas, tinadtad
1 ulo ng bawang, tinadtad
mantika na pamprito

Paraan ng Pagluluto:
1.) Lininsin maigi ang pusit at hiwa-hiwain.
2.) Timplahan ng asin, paminta at vetsin at isa-isang tabi.
3.) Sa isang mangkok ay batihin ang 2 itlog at idagdag ang 1 tasang arina
 at 2/3 tasang tubig hanggang matunaw ang arina.
4.) Idagdag ang tinadtad na sibuyas at tinadtad na bawang.
5.) Painitin sa kawali ang mantikang pamprito.
6.) Isawsaw ang hiniwang pusit sa pinaghalong sangkap na arina.
7.) Prituhin ang pusit ng lubog sa mantika ng 3-4 minuto o hanggang maluto ito at crispy color.
8.) Ilagay calamares sa malapad na strainer para tumulo ang natitirang mantika.
9.) Iayos sa plato at ihain or ipulutan.  

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

DINUGUAN


DINUGUAN

Mga sangkap:
1/2 kilong baboy
2 kutsarang mantika
2 ulo ng bawang, hiniwa-hiwa
1/4 kilong atay ng baboy, hiniwang maliit na pakuwadrado
1/2 tasang suka
2 kutsarang patis
1 kutsaritang asin
1/4 kutsaritang vetsin
1-1/2 tasang pinagpakuluan ng baboy
1 tasang dugo ng baboy
2 tasang asukal
3 pirasong siling berde
1/4 kutsaritang oregano (puedeng wala)

Paraan ng pagluluto:

1.) Ilagay sa kalderong may 1-1/2 na tubig at Pakuluan ang baboy ng 30 minuto.
2.) Hanguin at hiwain nang maliit na pakuwadrado.
3.) Itabi ang sabaw nito.
4.) Sa isang kawali, igisa nang 5 minuto sa mantika ang bawang at sibuyas.
5.) Idagdag ang baboy, atay.
6.) Ibuhos ang suka.
7.) Huwag hahaluin.
8.) Hinaan ang apoy at hayaang kumulo.
9.) Ibuhos ang sabaw.
10.) Pakuluan nang 10 minuto.
11.) Ihalo ang dugo at timplahan nang asukal.
12.) Palaputin at haluin nang paminsan-minsan.
13.) Idagdag ang siling berde at oregano(o puedeng walang oregano) at lutuin ng 5 minuto.
14.) Ihain o ipulutan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

KILAWIN NA BABOY AT ATAY


KILAWIN NA BABOY AT ATAY

Mga Sangkap:
1/2 kilong baboy
1/2 kilong atay ng baboy
2 tasang suka
1/2 kutsaritang asin (depende sa gustong alat)
1/2 kutsaritang pamintang durog
1/2 kutsaritang vetsin
2 kutsarang mantika
1 maliit na sibuyas, tinadtad
1/2 ulo ng bawang, pinitpit
ginisang bawang( depende sa dami ng gustong isahog)

Paraan ng Pagluluto:
1.) Hiwain ang baboy at atay ng pahaba at katamtamang laki.
2.) Ilagay sa malaking baking dish.
3.) Idagdag ang suka, asin, paminta at vetsin. Ibababd ang 30 minuto.
4.) Patuluin ang baboy at atay at isa-isang tabi ang pinagbabaran.
5.) Painitin ang mantika sa kawali.
6.) Idagdag ang baboy at atay ng salit-salit at igisa hanggang maluto.
7.) Isa-isang tabi. Igisa ang sibuyas at bawang.
8.) Idagdag na igisa ang karne hanggang medyo pumula tapos isunod isahog ang pinagbabaran.
9.) Pakuluin, takpan at pakuluin ng 15-25 minuto o hanggang maluto.
10.) Palamutian ng piniritong bawang.
11.) Ihain na pampulutan

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

LAMAN-LOOB NA MAY MISO (MOTSUNI in Japanese)


Laman-loob na may Miso (MOTSUNI in Japanese)


 Mga Sangkap for 1st Boiling:

[A] 1000 cc. water
[A] 200 g. bituka
[A] 200 g. laman-loob ng baboy o baka
[A] 10 to 15 g. slices of  luya
[A] 1 tasang suka

Mga iba pang sangkap:
1/2 labanos, hiwang katamtamang laki
1 carrot, hiwang katamtamang laki
1 ulong bawang
1/3 long onion, 1 inch haba ang  sliced
1-1/2 kutsarang sugar
2 kutarasang sukang puti mixed with 1/4 sugar
2 kutsarang brandy
2-3 tablespoon soy sauce(depende sa gustong alat)
2-3 tablespoon miso((depende sa gustong dami isahog dahil ang miso ay maalat)
2 cup tinunaw na kahit anong flavor na 2 bouilion cube
1 kutsaritang ginadgad na luya
3 long green chile(puedeng wala)
cabbage(puedeng wala)

Paraan ng pagluuto:
Hugasan munang mabuti ang lamang-loob sa maligamgam na tubig na may kalahating suka para mawala ang amoy bago pakuluin.
1.) Ilagay sa kaldero ang lahat ng may letter [A] na ang title ay Mga Sangkap for 1st Boiling. Pakuluan ang lahat ng Mga Sangkap 1st for Boiling for about to 20-30 minutes para maalis ang amoy ng lamang-loob.
2.) Pagkakulo ay hanguin ang ang pinakuluan o salain sa isang malaking strainer. Itapon na ang pinagkuluan.
3.) Pagkatapos alisin luya(puede nang itapon). Pagkatapos ay ihiwalay ang lamang-loob sa sibuyas.
4.) I-set aside ang laman-loob & sibuyas.
5.) Hugasan muli ang laman-loob para maalis ang amoy.
6.) Pagkatapos pakuluin ulit ang laman-loob at ang natitirang sangkap  & long onion for 7 minute sa mahinang apoy.
7.) Kung gusto ng maraming gulay ay puwedeng dagdagan din cabbage & long green chile.
8.) Pagkatapos kumulo ng 7 minute ay ilagay ang & miso.
9.) Tapos 3 minutes ulit pakuluan sa mahinang apoy.
10.) Pagkatapos ihain habang mainit o ipulutan. Dahil masarap ito kung mainit.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

PAKSIW NA ISDA


PAKSIW NA ISDA

Mga sangkap:
1 katamtamang laking bangus
1/2 tasang suka
1/4 tasang tubig
1/4 tasang luya
1/2 tasnag talong, niniwa ng pahaba
asin(na gustong lasa)

Paraan ng Pagluluto:
1.) Linisin maigi ang bangus at hiwain sa 4 na piraso.
2.) Ilagay sa kawali ang isda.
4.) Idagdag ang ibang sangkap maliban talong.
5.) Pakuluan nang 10 minuto.
6.) Baliktarin ang isda ng isang beses.
7.) Ingatang huwag madurog ang isda.
8.) Ilipat sa isang plato at takpan.
9.) Ilagay sa refrigertor nang 1 araw.
10.) Painitin sa mahinang apoy bagi ihain.
11.) Idagdag talong sa huling 5 minuto ng pagluto ng paksiw na isda. .

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

👍POCHERONG ISDA


POCHERONG ISDA

Mga sangkap:
1 dalag o anumang isda, hiniwa sa 3 bahagi at pinirito
1/2 repolyo, hiniwa sa 4 na bahagi
1/2 tasang baguio beans
2 saging na saba, hiniwa sa 2 piraso
1 kutsarang katas ng achuete o olive oil
1 ulo ng bawang, pinitpit
1 sibuyas, hiniwa-hiwa
2 kamatis, hiniwa-hiwa
1-2 tasang tubig
patis(na gustong alat ang timpla)

Paraan ng pagluluto:

1.) Sa isang kawali, igisa sa mantika ang bawang, sibuyas at kamatis.
2.) Ibuhos ang patis at tubig. Pakuluan.
3..) Pagkakulo ay idagdag ang isda at mga gulay at saging.
4.) Pakuluan hanggang maluto.
5.) Ihain habang mainit o ipulutan.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

GINISANG HIPON


GINISANG HIPON


Mga Sangkap:
6 tasang hipon
1/2 tasang Mama Sita's Barbecue Marinade Sauce
2 kutsaritang mantika

Paraan ng pagluluto:
1.) I-marinate ang hipon sa 1/2 tasang Barbecue Marinade Sauce ng 30 minuto.
2.) Pagkatapos ng 30 minuto ay salain ang hipon sa pinagbabaran at isa-isang tabi at huwag itapon.
3.) Painitin ang 2 kutsaritang mantika sa kawali pagkatapos ay igisa ang hipon hanggang sa pumula nag konti ang hipon.
4.) Pagkatapos ay ihalo ang pinagbabaran na  1/2 tasang Barbecue Marinade Sauce hanggang sa kumulo ang sauce.
5.) Pagkatapos ay hanguin at ihain o pulutanin.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

ADOBONG PUSIT


ADOBONG PUSIT


Mga Sangkap:
1/2 kilong pusit
1-1/2 kutsaritang asin
1 dahon ng laurel
1/4 kutsaritang paminta
3-4 ulo ng bawang, pinitpit
1/3 tasang suka
1 kutsaritang asukal
1/4 tasang mantika
1 maliit na sibuyas, hiniwa ng manipis

Paraan ng pagluluto:

1.) Linisin maigi at hugasan ang pusit at tanggalin ang parang plastic na buto nito.
2.) Hiwa-hiwain ang pusit.
3.) Pagsama-samahin ang asin, paminta, bawang, suka, tubig, asukal at laurel.
4.) Ibabad ang pusit sa timplang 1 oras.
5.) Hanguin ang pusit at isa-isang tabi ang pinagbabaran.
6.) Salain ang pinagbababaran.
7.) Igisa ang sibuyas sa mantika at ihalo ang pusit.
8.) Ibalik ang pinagbabaran ng pusit at lutuin ng 10 to 15 minutes.
10.) Makakabuting mabilis lamang ang pagluluto ng pusit upang ito'y hindi tumigas.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

ESKABECHENG ISDA


ESKABECHENG ISDA

Mga Sangkap:

1/2 kilong hasa-hasa (o alinmang isdang pamprito)
2 sibuyas
3 butil ng  bawang, hiwang pahaba
1 tasang suka
1 tasang asin
1 tasang asukal
kapirasong luya, hiwang pahaba

Paraan ng pagluluto:
1.) Linisin ang mga isda,kaliskisn at lagyan ng asin. Prituhin at isa-isang tabi.
2.) Hiwang panggisa ang gawin sa mga sibuyas. Makikitid at pahaba na animo palito ang gawing hiwa sa luya at bawang.
3.) Igisa ang bawang, luya at sibuyas.
4.) Isabaw ang suka (na may timpla nang asin, asikal at kaunting tubig).
5.) Huwag hahaluin habang hindi pa kumukukulo upang hindi 'mahilaw' ang suka.
6.) Kapag kumukulo na ang sabaw. Ihulog an isdang pinirito.
7.) Pakuluin lamang konting sandali bago ihain. o Pulutanin.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Search

Contact Form

Name

Email *

Message *