Ingredients:⇣⤵️
1 kilo na malagkit na bigas (hinugasan na)5-6 na mais na mura or 2 can kernel corn
2 niyog (kinudkod)
asukal (Ayon sa panlasa)
1 dahon ng pandan (optional)
Paraan ng pagluluto:⤵️⇣
1. Pigain ang niyog at kunuha na 1 puswelong unang gata o kakanggata. Isantabi ang kakanggata.
2. Muling pigain ang niyog at sa pagkakataong ito ay dagdagan ng 3-4 puswelong tubig.
3. Gadgarin ang mais sa pamamagitan ng kutsilyo o gadgaran ng papaya.
4. Pakuluin sa kaldero ang pangalawang gata at kapag kumukulo na ihulog ang mais.
4. Pakuluin sa kaldero ang pangalawang gata at kapag kumukulo na ihulog ang mais.
5. Makaraan ang ilang sandali ay ihalo ang malagkit na hugas na.
6. Kapag malapit nang maluto ang malagkit ay timplahan ng asukal nang naayon sa inyong panglasa.
6. Kapag malapit nang maluto ang malagkit ay timplahan ng asukal nang naayon sa inyong panglasa.
7. Mapababango ang ginataan na ito kung lalagyan ng isang dahon ng pandan. Optional lang ito.
8. Kung meron pandan extract ay lagyan rin ng konting patak. But sometimes walang mabiling pandan leaves and pandan extract sa supermarket, ang ginagamit kong pambango ay vanilla extract.
9. Ihalo ang unang gata na piniga or kakanggata kapag hahanguin na.