CALAMARES
Mga Sangkap:
1 kilong pusit na hiniwa na pang-Calamares
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang pamintang durog
1 kutsaritang vetsin
2 itlog
1 tasang arina
2/3 tasang tubig
1 maliit na sibuyas, tinadtad
1 ulo ng bawang, tinadtad
mantika na pamprito
Paraan ng Pagluluto:
1.) Lininsin maigi ang pusit at hiwa-hiwain.
2.) Timplahan ng asin, paminta at vetsin at isa-isang tabi.
3.) Sa isang mangkok ay batihin ang 2 itlog at idagdag ang 1 tasang arina
at 2/3 tasang tubig hanggang matunaw ang arina.
4.) Idagdag ang tinadtad na sibuyas at tinadtad na bawang.
5.) Painitin sa kawali ang mantikang pamprito.
6.) Isawsaw ang hiniwang pusit sa pinaghalong sangkap na arina.
7.) Prituhin ang pusit ng lubog sa mantika ng 3-4 minuto o hanggang maluto ito at crispy color.
8.) Ilagay calamares sa malapad na strainer para tumulo ang natitirang mantika.
9.) Iayos sa plato at ihain or ipulutan.