1 1/2 cup bigas na malagkit
1 1/2 cup coconut milk
2 cup gata (pangalawang piga)
1/8 tsp anis powder
2 cup sugar
- Hugasan ang bigas na malagkit at salain.
- Ilagay ang pangalawang piga ng gata at kakang gata kasama ang anis sa isang kawali.
- Idagadag ang malagkit at lutuin sa mahinang apoy.
- Haluin paminsan-minsan upang hindi dumikit sa kawali.
- Kapag natutuyuan na idagdag ang asukal at ipagpatuloy ang paghalo hanggang ang asukal ay matunaw at ipagpatuloy ang paghalo hanggang lumapot.
- Palamutian ng latik sa ibabaw.
PARAAN NG PAGLULUTO NG LATIK.
- Sa isang kawali maglagay ng 3 cup kakang gata.
- Pakuluan ito sa mahinang apoy. Hintaying matuyuan.
- Kapag malapit ng matuyo.
- Halu-haluin ito. Ipagpatuloy ang paghalo hanggang matusta ang gata.
- Mapapansing magkakaroon na ito ng latik.
- Iwasang huwag masyadong tostado or sunog ang latik.