January 17, 2022

BIKO

1 1/2 cup bigas na malagkit
1 1/2 cup coconut milk
2 cup gata (pangalawang piga)
1/8 tsp anis powder
2  cup sugar

  1. Hugasan ang bigas na malagkit at salain. 
  2. Ilagay ang pangalawang piga ng gata at kakang gata kasama ang anis sa isang kawali.
  3. Idagadag ang malagkit at lutuin sa mahinang apoy. 
  4. Haluin paminsan-minsan upang hindi dumikit sa kawali. 
  5. Kapag natutuyuan na idagdag ang asukal at ipagpatuloy ang paghalo hanggang ang asukal ay matunaw at ipagpatuloy ang paghalo hanggang lumapot.
  6. Palamutian ng latik sa ibabaw.


PARAAN NG PAGLULUTO NG LATIK.

  • Sa isang kawali maglagay ng 3 cup kakang gata. 
  • Pakuluan ito sa mahinang apoy. Hintaying matuyuan.
  • Kapag malapit ng matuyo. 
  • Halu-haluin ito. Ipagpatuloy ang paghalo hanggang matusta ang  gata. 
  • Mapapansing magkakaroon na ito ng latik. 
  • Iwasang huwag masyadong tostado or sunog ang latik.